Credits
PERFORMING ARTISTS
Janine
Performer
MC Einstein
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jason Haft
Songwriter
Darlon Adrian Elmedolan
Songwriter
Lyrics
[Chorus]
Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
At pinag iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan
Kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya
Mag aabang kung may mapapala
Sa'king ginagawa na
'Pagka tumaya ay 'wag mapahiya, oh
[Verse 1]
Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin 'yung pagtingin ko
Kasi kung hanggang tingin lang ay bitin
Ayoko rin naman 'to kimkimin, kaso
Mukhang hindi ko pa rin 'to sa'yo kayang banggitin
At baka isnabin mo lang at 'di mo pansinin
Bitin kahit ano pa man ang aking inumin
'Yung tapang ay wala pa rin, sa'n ko hihiramin?
Kahit mag lasing wala rin, kung pag gising ko duwag pa rin
[Verse 2]
Pa'no sasama kung hindi ako nag aaya?
Pa'no tatama kung hindi ako tumataya?
Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya
Kaso 'yung isip ko ay nag babago din maya, maya
At sobra sa pag asa, kulang sa kumpyansa
Kaya mukhang malabong mag katyansa
Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo, Basha
'Yon ang matagal ko nang pantasya
[Chorus]
Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
Sa malayuan
At pinag iisipan ko kung anong paraan
Ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan
Kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan, kaya
Hanggang kailan, kaya
Mag aabang kung may mapapala
Mag aabang kung may mapapala
Sa'king ginagawa na
'Pagka tumaya ay 'wag mapahiya
[Verse 3]
'Di lang ako kumikibo, matagal nang tumitibok
Ang puso ko para sa'yo kaso minsan kumikirot
'Di ko kasi masabi, 'di ako umaarte lang
'Di ko rin alam kung papaano aatake
Kasi baka naman ako ay tablahin
Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain
Panaginip lang lahat ng 'yon, ako ay tampalin
Para gising na'ko, tamang panahon aantayin ko na lamang
Kasi wala namang masama sa mag t'yaga
Kung para sa akin ka, eh, 'di mag aabang ako
Hanggang sa merong mapala
Kaso wala naman mapapala, lalo't 'pag wala akong ginawa
'Tsaka baka mamuti lang ang mata 'pag nag antay ng himala
'Di naman malabo na mapansin mo'ko kapag 'di ako nag tatago
Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na mag katayo
Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpa patalo
Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo
Kailangan ko yatang mag bago, kasi
[Chorus]
Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
Sa malayuan
At pinag iisipan ko kung anong paraan
Ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan
Malapitan
Kaso malayo ang pagitan
Ang pagitan
Hanggang kailan kaya
Mag aabang kung may mapapala
Sa'king ginagawa na
'Pagka tumaya ay 'wag mapahiya
[Outro]
Oh, oh, oh
Written by: Darlon Adrian Elmedolan, Jason Haft