Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
RC Seeb
RC Seeb
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Rodel C. Sibulo
Rodel C. Sibulo
Songwriter

Lyrics

Nabulagan ka o bayan ko
 Ito bang kalayaang pinangarap mo?
 Muling umasa ka at nabigo
 Nasa’n nang paniniwala mo sa maykapal?
 Nang kinitil nila si Juan
 Nasabi mo bang “ok lang, sya’s adik naman”?
 Napakadali bang agawin ng buhay na di mo kayang ibigay
 Mapaisip ka o bayan ko
 Ito bang katarungang pinangarap mo?
 Muling umasa ka at nabigo
 Nasa’n nang husitsyang pinaglaban mo?
 Nang kinulong nila si Maria
 Puso mo ba’y nasaktan o sadyang manhid na?
 Maibabalik mo ba’ng mga sandalling sa kanya’y pinakait?
 Gumising ka o bayan ko
 Ito bang kaginhawaang pinangarap mo?
 Muling umasa ka at nabigo
 Nasa’n nang habag sa kapwang sinabuhay mo?
 Nang namatay sa gutom si kwan
 Ikaw ba’y napiringan at nagbingibingihan?
 Habang ika’y nakaluluwag madali bang makita ang nasasadlak?
 Matakot ka o bayan ko
 Ito bang kasarinlang pinangarap mo?
 Muling umasa ka at nabigo
 Nasa’n nang katapangang pinangako mo?
 Nang sinakop nila ang karagatan
 Ikaw ba’y nagalit o tumahimik na lang
 Patuloy mo bang isusuko ang bayan sa harap ng dayuhan?
 Piring sa kamalayan
Written by: Rodel C. Sibulo
instagramSharePathic_arrow_out