Credits
PERFORMING ARTISTS
Soulstice
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Rome Lagarde (Mscript)
Songwriter
Jerome De Leon (Rowmee G)
Songwriter
Ronald Abasta (Seth)
Songwriter
Soulstice
Arranger
Lyrics
Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo'y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sa ’ting nakaraan
Okay na din ako
Okay na din ako
Okay na din ako
At pangako na ‘di na ‘to muling babalik sa ’yo
Hinding-hindi na
Pinagtagpo pero hindi tinadhana
Kung kelan tayo nagtagal tsaka nagsawa
Yung dating tayo biglang naglaho
May naipalit ka na bang bago
Ano bang nagawa ko
Bakit ka nandaya
Pinipilit kong intindihin kung ano ang maling nagawa ko
Ngunit parang wala naman kasi ikaw lang sa ’tin ang nagbago
Parang hindi na ikaw ‘yan kaya ito na yata tanging paraan
Para maibalik yung mga dating ngiti ko ‘kala ko tayo na sa dulo
Pero ‘di pala kasi yung mahalin ka'y pagkakamali ko
Lahat ng aking pagmamahal ‘di pala naging sapat sa ’yo
Ngunit kahit na gano’n sana ay ‘di tayo magka-ilangan
Kung dati ikaw ang buhay ko ngayon ‘di na kita kailangan
Dahil ‘la na ‘kong balak pang bumalik hindi na din ako nananabik
Sa pag-ibig mong pabigla-bigla sa iba'y bigla na lamang pumanik
Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo'y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sa ’ting nakaraan
Okay na din ako
Okay na din ako
Okay na din ako
At pangako na ‘di na ‘to muling babalik sa ’yo
Hinding-hindi na
Ano bang maling ginawa ko sa ’yo
Ba’t sa ganito pa tayo nauwi
Pinipilit kong isipin kung sa’n ako nagkulang
Busog naman sa yakap at halik
Yung pakiramdam na dinaramdam ko
Ay tila sakit na walang lunas, luhang pumatak na sarili ko nagpunas
Kung pwede malasing nang walang hulas (uh)
Kaso hinde, pwedeng makipaglokohan sa aking anino
Hindi rin kaya ng mata ko na makita kita sa iba lamang at sa kung sino (sino)
Kahit na pilitin mong umahon sa sakit na dulot ng kahapon
Mas hihilingin ko pa rin sa taas na ikaw ang katabi ko sa pagbangon
Sa bawat umaga halos ‘di na makabangon sa 'king kama
Aminadong hinahanap ka pa rin pero ‘di bale na lang din at ‘wag na lamang na umasa
Kaysa makipagbiruan pa ako sa tadhana't muli mo akong seryosohin
Ay ‘wag na lang din mas maiging limutin lahat at aking palayain
Ang puso at isip tama na (uhhh)
Wala na dapat pag-usapan at wala nang dapat pa na ibalik pa
Mga yakap at halik na akala ko ay sa ‘kin lang
Pero tangina higit sa lahat ay ako lang pala
Ang pinaka-nagmalasakit sa ‘ting samahan
Kung alam mo pa ‘yon pero ‘di din magtatagal
Ay burado ka na pagdating ng panahon
Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo'y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sa ’ting nakaraan
Okay na din ako
Okay na din ako
Okay na din ako
At pangako na ‘di na ‘to muling babalik sa ’yo
Hinding-hindi na
O bakit ba ganito
Wala naman akong ginawang mali sa ’yo
Tipong lahat sa ’yo ay iniintindi ko
‘Di maka-hindi sa gusto mo
Para lang maging masaya kahit na puro problema…yeah
Pa’no naman kalagayan ko kung iniisip mo sarili mo ohh…
Wala ka na rin magagawa kahit ibalik pa sa dati
Sana nga ay lumipas
At dumating ang bukas
Na ‘di na kita maaalala muli
Yung maging tayo ay pagkakamali
Ang ilang taon na pagsasama nawala dahil sa sandali
Na saya, sa iba, bakit ba
Ika'y nag-iba
Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo'y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sa ’ting nakaraan
Okay na din ako
Okay na din ako
Okay na din ako
At pangako na ‘di na ‘to muling babalik sa ’yo
Hinding-hindi na
Written by: Jerome De Leon (Rowmee G), Rome Lagarde (Mscript), Ronald Abasta (Seth)