Featured In
Credits
PERFORMING ARTISTS
Janine
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Janine
Songwriter
Pauline Lauron
Songwriter
Jay Durias
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Jay Durias
Producer
Lyrics
Nangangamba
Yakap ang bawat sandali
Wala ka na sa 'king tabi
'Di ko maiwasang manlamig
Nagtataka
Kay bilis lumipas ng dati
Noon may ganang umibig
Ngayon hindi ka na sa'kin nakatingin
Iniisip na lang
Na lahat ng sakit ay may dahilan
Minamasdan kita habang hagkan-hagkan mo siya
Ako ay mag-isa at masaya ka sa iba
Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko'y nasawi
Balang araw ako ay matututo ring umibig muli
Bakit kaya
Lahat ng ito'y nangyayari
'Di mapigilang humikbi
Gaano katagal magtitiis
Tumingala
Kahit gulong-gulo aking isip
'Di maiwasang pumikit
At isuko ang sakit sa langit
O iniisip na lang
Na lahat ng bakit ay may kasagutan
Minamasdan kita habang hagkan-hagkan mo siya
Ako ay mag-isa at masaya ka sa iba
Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo rin umibig muli
Ngingiti na lang
Lahat ng sakit ay may dahilan
Written by: Janine, Pauline Lauron