Lyrics
Bagay tayo
Bagay tayo
'Di na 'ko magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo'ng aking kamay
At lilipad nang sabay
Kanina ka pa kamo na tumatakbo
Dito sa 'king isipan, 'di ko mahinto
Tanging mga larawan mo ang gusto kong makita
Pagpikit ng 'king mata sa panaginip ko
Ay meron tayong dalawa, ayoko naman maging pantasya lang
Kung pwede naman nating tuparin ng magkasama talaga
Tayo lang sa paraisiong nakatadhanang mapaibig sa iyo
Ano pang hahanapin ko? Wala na
Mata mong 'sing kinang ng tala sa taas
Ako'y nadadala pwede ka bang mailabas
Punta tayo sa lugar kung sa'n malayong magwakas
Ang kwento nating dalawa 'wag na nating ipagpabukas
Ayoko muling umalis ng mag-isa
Gusto ko sa 'king pagbalik ay kasama na kita
Alam mo bang takot na 'kong magmahal pa ng iba
Pero simula nung makilala ka'y nalimutan ko na
'Di na'ko magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo'ng aking kamay
At lilipad nang sabay
O alam mo ba na bagay tayong dalawa
Mahal na mahal kita hindi ko lang talaga sinasadya
Lakas na kasi ng epekto ng kagandahan mo
'Di ko talaga inakala na magkakaganito
Ang tanging sarili ko
Sana'y pagbigyan mo na 'ko
'Di ko talaga matiis ang pagmamahal ko
Sa'n man tayo magtagpo, ako ay nandito
'Wag kang mag-alala basta kasama ka hanggang dulo
'Di na ko magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo'ng aking kamay
At lilipad na nang sabay
Alam mo sa tuwing ika'y aking nasisilayan
Agad nang nawawala ang mga pagod ko
Palaging hinahanap ang tamis ng 'yong ngiti
Sa tuwing ako ay binabalot na ng takot ko
Ikaw ang dahilan kung bakit na patuloy na
Ginagawa ang mga bagay kahit na magkamali
Tanging sa'yo lamang 'to maniniwala kahit na
Madami diyan na kung anu-ano ang pinagsasabi
Susulitin ang mga oras na ikaw ang kausap
Kung makasama ka ay para bang nasa ulap
Hindi na nanaisin pang muling makahanap
Ng iba kasi ikaw ang sumagot sa pangarap
'Di na makapag-antay sa iyong pagdating
Basta't tatandaan mo lang kahit saan makarating
Meron nagsisilbing panata ang ikaw lang at ako
Pangako na kahit ano mangyari hindi lalayo, yeah
'Di na ko magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo'ng aking kamay
At lilipad na nang sabay
Alam mo ba kapag andito ka
Bumibilis tibok ng puso at
Bakit ikaw ang laging nasa isip ko
Pagmulat ng mga mata ikaw ang hanap ko
Sa gabi ikaw ang nasa pangainip ko
Alam kong paulit-ulit na lahat ng sinasabi ko kasi
'Di ko mapaliwanag ang aking nadarama
Sana nga ay makasama na kita
Upang makita mo kung paano ako magpahalaga
At mapakita na ikaw, ako at walang iba ay bagay talaga
Kahit na anong mangyari basta't tayong dalawa ang magkasama
'Yon lang ang mahalaga
'Di na ako magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo'ng aking kamay
At lilipad na nang sabay
Written by: Angelo Luigi Timog, Clien Alcazar, Jomuel Casem, Rocel Dela Fuente