Credits
PERFORMING ARTISTS
Blakdyak
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Yoyoy Villame
Songwriter
Lyrics
Sayawan sa aming baryo
Orchestra ay nagkagulo-gulo
Ang kanilang mga instrumento
Ay luma na at sintunado
Ang drummer ay inuubo-ubo
Hikain pa ang nagbabaho
Saksoponista ay mga gago
Tagatorotot ay sira-ulo
Trumpet ay kalawangin
Barado at wala nang hangin
Trombone ay yupi-yupi na rin
Ang taga-ihip ay bungal ang ipin
Nagalit ang mga barangay
Orchestra'y kanilang inaway
Dahil sa kanilang tugtog
Na walang kabuhay-buhay
Ipinalit ang hayop na combo
Baboy ang nagbabaho
Ang drummer ay aso
Butiki ang nagpipiyano
Pusa ang organista
Manok ang gumigitara
Ayos din ang aming disco
Sa tugtog ng hayop na combo
Nag-rock 'n' roll ang mga daga
Nag-chacha ang mga palaka
Nagalit ang kabayong bakla
Kay kalabaw na tumutula
Palakpakan ang surot at ipis
Sa gagamba na nag-flying trapeze
Ayos din ang aming disco
Sa tugtog ng hayop na combo
Ayos din ang aming disco
Sa tugtog ng hayop na combo
Written by: Yoyoy Villame