Music Video

Loonie feat. Quest - Tao Lang | Tower Sessions
Watch Loonie feat. Quest - Tao Lang | Tower Sessions on YouTube

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
LOONIE
LOONIE
Rap
COMPOSITION & LYRICS
Marlon "Loonie" Peroramas
Marlon "Loonie" Peroramas
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Paul "Klumcee" Vano
Paul "Klumcee" Vano
Producer

Lyrics

[Intro]
Uy, si Loonie 'yon, ah?
Tara, lapitan natin
Idol, fliptop tayo
Tara isa lang kuya, sige na
[Verse 1]
Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan
Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle, takot ka bang matalo, ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
Huwag sanang apurado, ano'ng magagawa ko?
Wala akong maisip masyado pang mainit
Akala mo tuloy mukhang suplado 'pag tahimik
[Verse 2]
Pagod lang talaga galing gig, Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag-uwi ko pa para bang hindi ko malaman
Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos
Ang dami ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking ballpen malapit nang maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos
[Chorus]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin?
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan
Ang 'sang tulad ko na tao lang?
Pasensiya na
Tao lang
Pasensiya na
Tao lang
Pasensiya na
Tao lang
Pasensiya na
[Verse 3]
Kasi, sapul sa pagkabata sablay no'ng tumanda
Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa
Huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala
Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang hulugan ang bayad
Kaya huwag kang matakot magkamali
Pero alalay lang, huwag kang masyadong magmadali
[Verse 4]
'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sa'kin ni inay
Na kadalasan ay hindi nasusunod
Ayoko nang sumali gusto kong manood
Minsan, wala nang gana ayoko nang mag-rap
Kasi akala ko dati alam ko na'ng lahat
'Yon pala, kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis
[Chorus]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin?
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan
Ang 'sang tulad ko na tao lang?
Pasensiya na
Tao lang
Pasensiya na
Tao lang
Pasensiya na
Tao lang
Pasensiya na
[Verse 5]
Pero 'di ba tao ka lang din, 'di mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin?
'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam
Ano'ng magagawa mo, tao ka lang?
[Bridge]
Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakokonsensiya
Nauubusan din ng pasensiya
Nasasaktan, nagmumura
Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na, ooh, oh-oh
[Chorus]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Mali ba na magkamali?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ako'y katulad mo, yeah
Tao lang tulad mo, tulad n'ya
Ano ba ang dapat na gawin?
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan
Ano ba? Ano ba?
Ang 'sang tulad ko na tao lang?
[Chorus]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Mali ba na magkamali?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Tao lang, pasensiya na
Ano ba ang dapat na gawin?
Ano ba? Ano ba?
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan
Ang 'sang tulad ko na tao lang?
Pasensiya na
Tao lang
Pasensiya na
Tao lang
Kagaya mo
Tao lang
Pasensiya na, yeah
Kagaya mo, oh, yeah
Pasensiya na, uh
Tao lang
Pasensiya na
Wala tayong pagkakaiba
Pasensiya na, sorry naman
Kung pwede lang sanang isoli na lang
Pasensiya na
Written by: Marlon "Loonie" Peroramas
instagramSharePathic_arrow_out