Lyrics

Boy ano, basketball? Neknek mo, gabi na! Bakit? Duwag ka? Sarap ng tulog ko, so peaceful May sumipa sa pinto, may dalang mga pistol Cops wanna pop us like we're pimples But we're people, repeat the ritual Kahit handang sumuko, pinutok agad Pagkatutok, 'yon ang utos ng pinuno Mga naka-all black, pati masks Pasensya na kung naka-olaps, nanghoholdap talaga Naglalakad na nag-sosocial media na tanga Pagka-like ng pic, tinutukan ko ng ice pick Napaihi sa mata, "Amin na relo mong init sa mata" Sabi niya, "Kuya, kakabili ko lang kanina" I don't give a fuck, akin na Pamilya ko walang kakainin, kanin na inuulam sa asin Bigay mo na, bago kita sapakin Pagkapera, 'lam ko na agad ang gagawin Doon sa 'di mahangin, mata, lakas-titig na O kaya'y mantritrip, kakaiba, kalas-buo ng mga makina 'Yung pader ng kapitbahay, laging humaharang sa akin ha Tulog na rin sila, pwede 'tong wasakin na S'yempre pagkapasok, gamit n'yo ay akin na Watchlist at hitlist nasa isang pahina Nakahiga't basa na sa pula Huli kong panaginip 'yun pala One by one ko lang naiwan sa ina One by one lang naiwan ko, 'tang ina Hoy, boy, alam mo ba usap-usapan sa 'min 'Wag pakalat-kalat, baka damputin ka sa ilalim Mahirap na 'pag napuwing ka 'Wag kang kakaba-kaba, baka mauling ka Kala mo lotto kung mamili ng panalo Tumbang preso ang laro, ika'y pamato Sabi ko sa 'yo, 'wag kang pakalat-kalat d'yan Kasi 'pag sinumpong ang kupal, baka mapaglaruan Kapit sa patalim Galaw pailalim Umaasang maitawid Ang gutom ko gabi-gabi Kayod-kalabaw 'Di baleng ako'y uhaw Sardinas laman ng plato Kahit dami nang ampao ang naipon Madumi palad, pero malinis paglikom Baka nagkamali ka lang Naku, hindi po Ako 'yon, biglang nagtikom ang labi Nagising, katabi ko, ginawang hipon Bakit sa dami-dami Tanong ko lagi, "Bakit?" Mag-ingat sa pagduro, ang nuno, dilat palagi Pulot-pukyutan ng hudas, mga sabik humarit Ako 'yung pawis, pero parang sila 'yung nakagamit Narinig ko 'yung sirena Naku, and'yan na sila Nakasuot nga ng asul Pero may mantsa ng pula 'Di mo ba ako kilala? Alyas "Silva" nga pala Tinapon lang sa Pasay Pero sa impyerno dinala 'Tang inang pulis, ano ang aking kasalanan? 'Wag n'yo nga 'kong bino-"boy", mayro'n akong pangalan Bakit 'yung iba, napakilala nang husto? 'Di man lang ginalang ang aking pagiging tao Alyas "Mata" nga ika daw nang inyo na tawagin Dahil nakatungo at masama tumingin Edad kwarenta'y singko tulad ng iyong baril Kaya pinutok kasi 'di agad nagpasiil Ano ba'ng hawak n'yong pruweba laban sa 'kin Kung aking boses, sa inyo'y pagsisinungaling? 'Di naman manlalaban, wala 'kong patalim Bakit ba ang hilig n'yo mantrip d'yan sa madilim? Ni magnakaw nga, 'di ko kayang sikmurain Sa tingin n'yo ba na kaya ko iyong gawin? Namalik-mata, hindi mo na akalain Kasalanan na pala mapagkamalang adik 'Di ba tulak-tulak ang inyong tinitimbog? Porket sa lansangan lang lumaki at nahubog Bakit pinapatay pwede naman na ikulong ang salot sa bayan? Nasa'n na ba'ng katarungan? Sa ngayon, ang hustisya ay nabibili Aking buhay, sa inyo ko pa lilimusin Alipustahin, papaslangin n'yo lang ang taumbayan 'Di ba kayo binabayaran? Boom! Shock attack! Tatlong boy na batak Na raw ang natutumba ng mga kupal na parak Sa may amin sa Linggo, baka raw pagkalito Ani Kap, mukhang nakatumbok sa akin 'to Animo eenie, meenie, minie, mo ang bira Mga may alyas na iisa, inisa-isa Basta ba't matuluyan, tunay na nakalista? Damay-damay na kahit pa walang matira Tira-tirang pagkain, sira-sirang tirahan May takot pang tirahin ng mga siga-sigaan Gawa-gawang hidwaan dagdag sa mga pasakit Tulak ng kahirapan kaya napapagamit Bakit? Trabahong atang sa 'min kakayanin ba Ng puyat, gutom na katawan upang mainda? Hindi naman sa pagpapalusot Kabuhayan nga, patayan na, patayan pa sagot? Kamalian ba'y maitatama ng kamalian? Mga mamamatay-adik, adik sa kapangyarihan Bullet sa listahan, cash sa sobre Timbangan ng batas, nawawala na sa korte Wala nang posas-posas Dapat ka bang matodas? Namamasada lang naman nang beinte-kwatro oras Sobra na sila, kailangan nang mag-alsa Balutan ng mag-anak, malayo sa pangamba
Writer(s): Mark Allen Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out