Featured In
Top Songs By Sam Concepcion
Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Sam Concepcion
Performer
Tippy Dos Santos
Performer
Quest
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Yumi Lacsamana
Songwriter
Thyro Alfaro
Songwriter
Lyrics
[Verse 1]
Dati-rati, sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin, at amoy araw ang balat
Na-aalala ko pa n'on, nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ng ating kwento
[Verse 2]
Lagi-lagi ka sa amin, dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala
[PreChorus]
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon
[Chorus]
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin
Ngunit 'di ang pagtingin
Na gaya pa rin ng
Dararatda dati, dararatda dati, dararatda dati
Na gaya pa rin ng
[Verse 3]
Dati-rati, ay palaging sabay na mag siesta
At sabay rin gigising alas kwatro y medya
Oh, sabay manonood ng paboritong programa
Oh, kay tamis naman mabalikan ng alaala
[Chorus]
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin
Ngunit 'di ang pagtingin
Na gaya pa rin ng
[Bridge]
Yeah, dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan
Pero 'singtamis ng kendi 'pag nagkakasal-kasalan
'Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina?
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at
Parang Julio't, Julian lagi tayong magkasama
'Di mapaghiwalay
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah
Hindi pwede 'yan
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
'Yan ang pag-ibig
Sana mabalik pang dati nating pagsasama, ahh
[Chorus]
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin
Oh, ibulong na lang sa hangin
Ibulong na lang
Pangarap na lang din
Pangarap na lang din
Na gaya pa rin ng
Na gaya pa rin ng dati
Dararatda dati, dararatda dati, dararatda dati
Na gaya pa rin
Dararatda dati, dararatda dati, dararatda dati
Na gaya pa rin ng
Ng dati
Written by: Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana