Top Songs By Alisson Shore
Credits
PERFORMING ARTISTS
Alisson Shore
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Emmanuel Sambayan
Songwriter
Lyrics
Isinulat ko lahat ng naganap (ng naganap)
Para 'di malimot parang alamat
Nilapatan ng tinig at puso bawat kataga't (kataga)
Ang pangalan mo ang aking gagawin na pamagat
'Kaw kahati ko sa Fita, ka-tandem manood ng anime
Pelikula't Korean drama (Korean drama)
Ang kape mo sa umaga (umaga)
At tigatimpla 'pag wala na (wala ka)
Gusto na kitang makita, yeah
Lahat gusto kong gawin, sa'n man tayo dalhin ng hangin ay masaya
Kapag kasama ka (lahat ay kayang gawin basta't kasama ka)
Lahat ating tuparin, sa'n man tayo abutin ng dilim ay maliwanag
'Pag kasama ka (lahat ay kayang gawin basta't kasama ka)
Lahat ng 'yong pasanin, 'wag mo nang dalhin nang mag-isa
Ako ang 'yong baluti, sa daluyong, iyong kasangga
'Di naman Lazada pero 'yung ngiting napadala
Aking iniipon para baon 'pag nagkita na
'Di na 'to mapakali-li, laging nagmamadali, yeah
Tinabi ko na mga gawain para 'di mawaglit ang mga sandali
'Wag kang mag-atubili, ako'y sabik na sabik, parang batang imik nang imik
Puwede na bang pumanhik? Makita ka kahit saglit, yeah-yeah
Buhay ba natin ay parang Disney? (Disney)
Sobrang kulay parang Mickey't Minnie
Pero 'yung kilig, iba palagi
Kay Mama sinangguni at tumawag na ng pari
'Pagkat saki'y ikaw ang ilaw ng gabi
(Ayy-yeah-ah, yeah-yeah)
Sinusulit 'pagkat ang oras ay maikli
(Bakit ang bilis 'pag 'yong miss na miss? Yeah)
'Di na 'to mapakali, laging nagmamadali (palaging sinasabi)
Gusto na kitang makita, yeah, yeah (gusto na kitang makita)
Gusto na kitang makita, yeah, yeah (gusto na kitang makita)
Gusto na kitang makita, yeah, yeah (gusto na kitang makita)
Gusto na kitang makita (gusto na kitang makita)
Lahat gusto kong gawin, sa'n man tayo dalhin ng hangin ay masaya
Kapag kasama ka (lahat ay kayang gawin basta't kasama ka)
Lahat ating tuparin, sa'n man tayo abutin ng dilim ay maliwanag
'Pag kasama ka (lahat ay kayang gawin basta't kasama ka)
Written by: Emmanuel Sambayan