Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gian Magdangal
Gian Magdangal
Performer
Reb Atadero
Reb Atadero
Performer
Topper Fabregas
Topper Fabregas
Performer
Boo Gabunada
Boo Gabunada
Performer
Ensemble
Ensemble
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ely Buendia
Ely Buendia
Composer

Lyrics

[Verse 1]
Minsan sa may kalayaan
Tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik
At kanya, kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na sa'n ka man patungo
[PreChorus]
Ngunit ngayon
Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan
[Chorus]
Kung sakaling gipitin ay
Laging iisipin na
Minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
[Verse 2]
Aah, aah
Aah, aah
Minsan ay parang wala nang
Bukas sa buhay natin
Inuman hanggang sa magdamag
Na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan natin walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya
[PreChorus]
Ngunit ngayon
Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan
[Chorus]
Kung sakaling gipitin ay
Laging iisipin na
Minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
[Verse 3]
Minsan ay hindi ko na alam
Ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan
Dahil ngayon
Tayo ay nilimot ng kahapon
'Di na mapipilitang
Buhayin ang ating pinagsamahan
[Bridge]
Ngunit kung sakiling mapadaan
Baka ikaw ay aking tawagan
[Chorus]
Minsan sa may kalayaan
Tayo'y nagkatagpuan
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan
[Chorus]
Ngunit kung sakaling mapadaan
Baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
Written by: Ely Buendia
instagramSharePathic_arrow_out