Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Vingo & Jimmy
Vingo & Jimmy
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vingo Regino
Vingo Regino
Songwriter

Lyrics

Kay raming tao sa mundong ito
Naghahanap ng kapalaran dito
Isang mayaman at isang mahirap lang
Nagsisikap silang umasenso
At kung ikaw ay isang mayaman na
'Wag ka sanang masilaw sa iyong pera
At kung ikaw naman ay isang mahirap lang
Konting tiis, kaibigan
Ang problema ng isang mayaman
Sa'n n'ya dadalhin ang kanyang yaman?
Ang problema naman ng isang mahirap lang
Saan s'ya kukuha ng kakainin araw-araw?
At kung ikaw ay isang mayaman na
'Wag mong gamitin sa masama ang iyong pera
At kung ikaw naman ay isang mahirap lang
Konting t'yaga, kaibigan
At kung ikaw ay isang mayaman na
Isipin, 'di lahat nabibili ng 'yong pera
At kung ikaw naman ay isang mahirap lang
Konting sipag, kaibigan, oh
Isang mayaman, isang mahirap
Pantay-pantay sa mata ng Diyos
Pare-parehong sa lupa ang iyong tungo, oh
At 'di mo madadala sa langit ang iyong kayamanan
Basta't magsipag ka lang kaibigan
Written by: Vingo Regino
instagramSharePathic_arrow_out