Top Songs By Esang De Torres
Credits
PERFORMING ARTISTS
Esang De Torres
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vehnee Saturno
Songwriter
Lyrics
Hindi bala, hindi bomba sa Marawi ang sagot
Ang iisang dugo ay galit ang bumabalot
Mga walang kamuwang-muwang kayakap ang luha at takot
Mga maling adhikain ay 'di tamang sagot
Marawi, sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal, tayo ay aahon
Marawi, darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Kristyano at Muslim hindi ba't iisa?
Nilalang tayo ni Allah na iisang Ama
Kung bubuksan ang puso ng bawat isa
Sa mundo ang maghahari ay ngiti't saya
Marawi, sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal, tayo ay aahon
Marawi, darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Hindi kulay ang kailangan upang magkaisa
Pula, puti, asul, dilaw, tayo ay iisa
Ang pag-ibig, isapuso, 'yan ang mahalaga
Ako, ikaw, sila, tayo'y magsama-sama
Marawi, sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal, tayo ay aahon
Marawi, darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Marawi, sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal, tayo ay aahon
Marawi, darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Marawi
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com